Love scene nina JC at Ryza sa ‘Mr. & Mrs. Cruz’ swabeng-swabe


SATISFIED si direk Sigrid Andrea Bernardo sa love scenes nina Ryza Cenon at JC Santos sa latest movie nilang “Mrs. & Mrs. Cruz.”

“Hindi talaga ako umorder ng abs sa kanila. Talagang sabi ko kung ano ‘yung normal kasi gusto kong makita ang sarili ko na puwede, puwede akong mag-two piece para relatable. Sobra akong satisfied sa love scene nila,” say ni direk Sigrid na merong non-exclusive contract sa Viva Films na good for four years.

May pressure ba dahil kumita ang movie niyang “Kita Kita” na umabot sa more than P300 million ang box-office take?

“Alam ko na napakagrabe ng pressure sa pelikula dahil hindi ko naman alam na kumita ‘yung ‘Kita Kita.’ Gusto ko lang bumalik doon sa goal ko lagi tuwing gumagawa ako ng pelikula.

“It’s still the story and I should concentrate on making it good and great for everyone. Ayun, hindi ko muna iniisip ‘yung pressure,” say ni direk Sigrid.

Read more...