Babala kay Nadine: Mag-ingat sa pagpatol sa mga basher, nasa huli ang pagsisisi


ANG palutang ni Nadine Lustre ay hindi siya naaapektuhan ng anumang negatibong komentong nababasa niya sa social media. Balewala lang daw sa kanya ang mga ganu’n dahil may sariling utak siya para patakbuhin ang kanyang buhay.

Pero habang nagsasabi naman ng ganu’n ang young actress ay panay-panay ang patol niya sa kanyang mga basher. Nakikipag-argumento siya palagi na ang kinauuwian ay nakikipag-away na siya.

Ang taong hindi naaapektuhan sa kanyang mga nababasa ay tahimik lang, mas kilala niya ang kanyang sarili, kaya wala siyang dapat ipaliwanag kaninuman.

Pero tao lang din naman kasi si Nadine na umaaray kapag sobra-sobra na ang mga negatibong komentong ipinupukol laban sa kanya. May damdamin ang tao, nasasaktan kapag nasosobrahan na sa mga tinatanggap niyang masasakit na salita, ganu’n ang nangyayari kay Nadine Lustre.

Pero dahil kilala siyang personalidad ay dapat ding binabantayan ni Nadine ang kanyang mga salita at galaw. Du’n kasi siya mamarkahan ng publiko. Konting ingat sa pagbibitiw ng mga salita dahil baka sa bandang dulo ay siya pa mismo ang magpahamak sa kanyang sarili.

Walang masama sa pagsagot, wala ring masama sa pagbibigay ng opinyon at saloobin, basta handa rin si Nadine Lustre sa magiging resulta ng kanyang mga aksiyon.

Siya lang ang mananagot nu’n at hindi ibang tao. Siya lang.

Read more...