HINDING-HINDI makakalimutan ng international singer na si Celine Dion ang duet nila ni Jake Zyrus noong kasagsagan ng kasikatan nito bilang si Charice Pempengco.
Bilib na bilib ang isa sa mga international award-winning biritera sa mga Pinoy talent, at isa nga raw si Jake sa mga Filipino performer sa mga hinahangaan niya lalo na noong maging special guest ito sa kanyang concert ilang taon na ang nakararaan.
“My jaw is still dislocated. A big talent,” papuri niya kay Jake sa isang panayam na umere sa ABS-CBN.
Happy din daw ang singer sa bagong buhay nito bilang isang transman, “I wish him the very best and I am very proud that I had given him the moment.”
Kasabay nito, humingi rin ng paumanhiin si Celine sa pagkansela ng dapat sana’y concert niya sa Pilipinas noong 2014. Ito’y dahil nga sa matinding karamdaman ng kanyang namayapang asawa.
“If I may apologize again to the fans. The fact that we had to cancel the tour, it was hard. But it was, I’m sure you understand,” aniya pa.
At para sa kanyang mga Pinoy fans, matutuloy na nga ang kanyang naudlot na “One Night Only” concert sa bansa sa darating na July 19, 2018 na magaganap sa Mall of Asia Arena.