Ogie humingi ng tulong kay Piolo para sa Cinemalaya entry

OGIE ALCASID

BUKOD sa pre-Valentine concert na “#paMORE” kasama ang asawang si Regine Velasquez, Martin Nievera at Erik Santos, ibinalita rin ni Ogie Alcasid na may gagawin siyang pelikula this year for Cinemalaya.

“Nagustuhan ko talaga yung script, it’s something that I really want to do. Nakipag-meet na po ako sa writer at sa director, mayroon silang required budget para sa film,” ang kuwento ni Ogie.

Dugtong pa niya, “Kinausap ko sina Piolo (Pascual) at direk Joyce (Bernal) ng Spring films kung interesado sila na i-produce. Sabi kasi ng writer ng pelikula na ako lang daw talaga ang nakikita nila para doon sa role.”

Mapapanood nga pala ang “#paMORE” sa Feb. 10 sa MOA Arena.

Read more...