Elmo, Janella super lambingan sa Bora

ELMO MAGALONA AT JANELLA SALVADOR

KARAY-KARAY ni Elmo Magalona si Janella Salvador sa kasal ng kapatid niyang si Maxene kay Robby Mananquil sa Boracay.

Tsumi-cheesy ang pose ng magka-loveteam (or lovers na?) habang nasa beach ng Shangri-La Boracay.
Naka-caption ang “The Way You Look Tonight” na fave song ni Janella, huh!

Siyempre galak na galak ang ElNella fans sa lambingan ng kanilang mga idolo. Sabik na sabik na rin kasi silang mapanood na magkasama ang mga ito sa big screen. Sa Feb. 14 pa kasi ang showing ng movie nilang “My Fairy Tail Love Story” kaya kahit paano, naibsan ang pananabik nila sa mga fotos nila na magkasama na kuha sa Bora.

‘Yun nga lang, wala pa kaming nakitang reaksyon sa lambingan nina Elmo at Janella mula sa ina ng young actress na si Jenine Desiderio.

Read more...