“Ang kaibahan [ng kampanya ngayon] is siniguro namin na at patuloy na sisiguruhin na totoong Tokhang ang gawin hindi ‘yung pasukan ng kalokohan ng pulis,” sabi ni dela Rosa matapos ang turnover ceremony ng mga police car at K-9 units sa Malinta, Valenzuela City.
Ito’y matapos namang muling payagan ni Pangulong Duterte ang PNP na manguna sa kampanya kontra droga.
“Actually, bloodless lang talaga ang Tokhang kasi ang spirit ng Tokhang, if implemented properly, is knock and plead lang eh,” dagdag ni dela Rosa.
Idinagdag ni dela Rosa na muling sisimulan ang Oplan Tokhang simula kalagitnaan ng Enero o bago matapos ang buwan..
Matatandaang noong Oktubre 2017, inalis ni Duterte sa PNP ang operasyon kontra droga matapos namang bumaba ang rating ng pangulo dahil sa sunod-sunod na pagpatay ng mga pulis sa mga menor-de-edad, partikular sina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo “Kulot” de Guzma.
Ibinalik naman sa pulis ang kapangyarihang magsagawa ng kampanya kontra droga noong Disyembre. Inquirer.net