Tiwala kay Du30 dumami-SWS

  Muling tumaas ang trust rating ni Pangulong Duterte ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
    Nakapagtala si Duterte ng 75 porsyentong trust net rating (83 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 7 porsyentong napakaliit o walang tiwala at 10 porsyentong hindi tiyak kung may tiwala o wala), sa ika-apat na survey ng SWS noong Disyembre.
    Mas mataas ito sa 60 porsyentong net trust rating na nakuha niya sa survey noong Setyembre (73 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 12 porsyentong napakaliit o walang tiwala at 15 porsyentong hindi tiyak kung may tiwala o wala).
    Pinakamarami ang nagtitiwala kay Duterte sa Mindanao (95 porsyento) at sinundan ng Visayas (83 porsyento), National Capital Region (80 porsyento) at iba pang bahagi ng Luzon (77 porsyento).
    Mula noong 2015, hindi pa siya Pangulo, ang pinakamataas na trust rating ni Duterte ay 79 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo 24-27, 2016 o bago siya umupo sa Malacanang.
    Sa unang survey noong nakaupo na sa Malacanang—Setyembre 2016, si Duterte ay may net trust rating na 76 porsyento (83 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 8 porsyentong napakaliit o walang tiwala at 9 porsyentong hindi tiyak kung may tiwala o wala).
    Ang pinakahuling survey ay ginawa mula Disyembre 8-16. Kinuha dito ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong margin of error na plus/minus 3.
No Matter How Bad Yesterday Was,
It Is Now Part Of The Past

Read more...