3 tren ng MRT inalis sa linya

MRT

Hindi pinabiyahe ang tatlong tren ng Metro Rail Transit 3 ngayong araw kahit na rush hour dahil sa mga depekto nito.

Dalawang tren ng MRT ang pinabalik sa depot upang kumpunin alas-6:35 ng umaga at alas-7:59 ng umaga matapos magkaproblema ang air-conditioning unit nito.
Mayroon namang problema sa gulong at kuryente ang tren na inalis alas-7:42 ng umaga.
Wala pang sakay na pasahero ang mga tren ng matukoy ang problema.

Read more...