Gwapong young actor bantay-sarado sa GF na aktres; takot maahas ni female celebrity

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nakakalimutan ng isang guwapong young actor ang babaeng type na type niya pero hindi naging sila.

Hanggang pa-date-date lang sila nu’n dahil biglang ibang young actress na ang ipinareha sa kanya ng produksiyong humahawak sa kanyang career.

Kahit nu’ng pinagpapareha na sila ng young actress ay panay-panay pa rin ang pagpaparamdam ng young actor sa type na type niyang babae, text siya nang text, nagkikita pa rin sila kasama ang kanilang mga common friends.

Kuwento ng isang source, “’Yun ang talagang type niya, nasa stage na siyang nakikipag-close talaga sa girl, pero naunsiyami ‘yun, bigla siyang binigyan ng ibang partner ng nag-aalaga sa career niya.

“Pero hindi pa rin siya sumuko, nakikipagkita pa rin siya sa girl kahit pa may ka-loveteam na siya. At sobrang insecure ang ka-loveteam niya sa girl dahil habang magkasama sila, e, text nang text at tawag nang tawag ang ka-loveteam niya,” kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa naging magkarelasyon na nga ang magka-loveteam, naging sila na, pero sa likod ng utak ng young actor ay nandu’n pa rin ang girl na gustung-gusto niya talaga.

Patuloy ng aming source, “Naku, ayaw naririnig ng girlfriend niya ang pangalan ng girl. Lason para sa tenga niya ang name ng girl na alam niyang type na type ng boyfriend niya.

“Bantay-sarado niya ang lalaki, at hindi lang basta ganu’n, binabantayan din niya ang mga lakad ng girl na alam niyang hindi pa rin tinatantanan ng BF niya! Ganu’n siya kabantay-sarado sa girl at sa boyfriend niya!

“Napakalaki talaga ng insecurity ng girl sa super-crush ng BF niya. Hanggang ngayon, kapag nakikita niya ang girl, ibang-iba ang kanyang tingin. Parang sinasabi niya na ‘Hey, taken na siya, akin na siya, kaya tumabi-tabi ka na d’yan!’

“Maganda naman kasi ang girl, fresh na fresh, hindi tulad niya na parang nabuburyong sa buhay. At maraming nakakapansin na mas love na love niya ang guy kesa sa mahal siya.

“Huwag na kasing ma-insecure, kanyang-kanya na nga ang young actor, kapag ganyan siya nang ganyan, baka mawalan pa ng luster ang beauty niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, kaya arriba na!

Read more...