Jodi No. 1 sa klase, nais maging guidance counselor

JODI STA. MARIA

PINATUNAYAN ni Jodi Sta. Maria na walang imposible kung paiiralin ang sipag at dedikasyon.

Nag-number one ang Kapamilya actress sa kanilang klase sa Southville International School And Colleges.

Kumukuha si Jodi ng kursong Psychology bilang kanyang pre-medical degree. Sa Instagram, ipinost ang litrato ni Jodi hawak ang certificate kung saan nakasulat ang nakuha niyang GPA na 3.670.

Ayon kay Jodi, kapag nakatapos siya, nais niang maging guidance counselor o rehabilitation specialist.

Kahit nga busy si Jodi sa taping ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Sana Dalawa Ang Puso Ko, hindi pa rin pinababayaan ng aktres ang kanyang pag-aaral.

Read more...