Cherie Gil puring-puri sina Mikoy at Mikee: Totoo sila at matatalino!

CHERIE GIL

PURING-PURI ng award-winning actress na si Cherie Gil ang mga Kapuso young stars na kasama niya sa bagong weekly fantasy-adventure series ng GMA 7 na Sirkus.

Ito’y pinagbibidahan ng Kapuso teen stars na nina Mikee Quintos, Mikoy Morales, Andre Paras, Klea Pineda, Sef Cadayona at Chariz Solomon.

Ayon kay Cherie, agad niyang tinanggap ang nasabing proyekto dahil gustung-gusto niya ang fantaserye, at feel na feel din niya ang kanyang role.

“We’re gonna be playing a lot with costumes and character and effects and magic, so I myself, I’m a little child, there’s a little child in me, so I myself would watch this show,” pahayag ni Cherie sa nakaraang presscon ng Sirkus.

“Wholesome kontrabida” raw ang role niya sa Sirkus bilang si La Ora, at ang bonggang costume raw niya ay gawa pa ni Fanny Serrano.

“Para siyang Jean Paul Gaultier (international fashion designer), kaya kahit mahirap ilakad minsan at napakabigat, all the wig ang all, sige lang for the sake of fashion and art. I mean it’s not like I’ve done anything like this,” aniya pa.

Sey pa ni Cherie, saludo siya sa mga bagets na katrabaho niya sa serye, “I love the cast lalo na sina Mikoy and Mikee, they’re very open, they’re authentic. They treat me like I have tita. Makes me feel like one. They’re really a good batch of kids na tunay sila, and they’re intelligent.”

Para naman kay Mikoy, “Nu’ng binanggit pa lang na o, kakambal mo si Mikee, benta na sa akin. I was sold already na maka-work ko si Mikee ng ganito kadalas.”

Kahit si Mikee ay hindi pa rin makapaniwala na sa kanya ibinigay ang napakagandang proyektong ito at may bonus pa, ang makatrabaho ang hinahangaan at iniidolo niyang si Cherie Gil.

Magsisimula na ang Sirkus simula sa Jan. 21, Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Read more...