NAGBIGAY ng payo ang “Hugot Queen” na si Angelica Panganiban sa lahat ng mga babaeng nahihirapang mag-move on sa break-up.
Ayon sa Kapamilya actress, ang isa sa pinaka-effective na paraan ay ang kumbinsihin ang sarili na maging masaya.
“Nag-start ako sa pagpapanggap, eh. Nagsasaya-sayahan ako, nagbabaliw-baliwan, pagtatawanan ko lang lahat ng ito. Then eventually, iyong saya-sayahan ko ay naging totoo siya. My God, gumigising ako na hindi na ako malungkot,” ani Angelica sa isang panayam.
Sa nakaraang presscon ng latest movie ni Angelica under Star Cinema na “Ang Dalawang Mrs. Reyes”, sinabi ng aktres na ang pinakamasarap na bahagi ng pagmu-move on ay ang muling matutunang mahalin ang sarili.
Tulad nga sa pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kung saan makakasama niya ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos, napakarami raw matututunan ng mga tulad niyang ilang beses nang nasawi sa pag-ibig sa kuwento ng pelikula.
Sa nakaraang media conference ng pelikula, proud na proud si Angelica sa pagsasabing sa wakas ay nakatrabaho rin niya sa big screen si Juday, “Talaga namang tinitingala ko siya. I’m sure hindi lang ako.
I’m sure lahat. I’m sure ang daming naiinggit sa akin dahil nakaupo ako dito katabi niya, nasa isang poster kami.
“So, I’m sure, ang daming artista ngayon na gustong maglaslas, ‘Bakit hindi ako yung nandiyan, bakit siya?’ Mayabang ako ngayon, sorry!” patawa pang chika ng aktres.
Samantala, inamin naman ni Juday na natakot siyang makatrabaho si Angelica dahil ito nga ang first time niyang mag-comedy samantalang subok na sa pagpapatawa si Angge. Pero sa tulong ng production at ng kanilang direktor na si Jun Lana, ay nabigyan daw naman niya ng hustisya ang kanyang karakter bilang isang misis na nadiskubreng bading ang kanyang mister.
Unang nagkasama sa seryeng Sa Puso Ko Iingatan Ka sina Angelica at Juday na umere sa ABS-CBN noong June, 2001 at tumaal hanggang February, 2003.
Showing na sa Jan. 17 ang “Ang Dalawang Mrs. Reyes”. Kasama rin dito sina Joross Gamboa, JC de Vera, Carmi Martin, Nico Antonio at marami pang iba.