Palasyo pinuri ang hakbang ng Ombudsman na ipaaresto si ex-Palawan gov Reyes

PINURI ng Palasyo ang hakbangin ng Office of the Ombudsman matapos hilingin sa Sandiganbayan na muling ipaaresto si dating Palawan governor Joel Reyes.

“That’s how it should be! I commend OMB for the order!” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Hiniling ng Ombudsman sa anti-graft court na kanselahin ang piyansa ni Reyes habang dinidinig ang apela matapos siyang masitensiyahan sa kasong graft.

Nauna nang ipinag-utos ng CA ang pagpapalaya kay Reyes sa kabila ng kasong murder na kinakaharap kaugnay ng pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega.

Read more...