15 trak ng basura iniwan ng mga deboto ng Itim Na Nazareno

UMABOT sa 15 trak ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa naiwang kalat ng mga debotong lumahok sa prusisyon ng Itim Na Nazareno.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na magpapatuloy ang paglilinis sa Quiapo.

Karamihan sa mga nakolekta ay mga plastik na bote, styrofoam, mga tira-tirang pagkain at mga karton na ginamit ng mga tao sa vigil sa Quirino Grandstand.

Bukod sa Quiapo at Luneta Grandstand, nakakolekta rin ang  MMDA ng mga basura sa mga dinaanang ruta ng Traslacion.

Nagpakalat ang MMDA ng 100 street sweepers at mga dump truck para sa paglilinis sa Quiapo. 

Nagsimula ang prusisyon ng Itim Na Nazareno ganap na alas-5:07 ng umaga mula sa Quirino Grandstand noong Martes at natapos ng alas-3 ng umaga kahapon sa Quiapo church. 

Read more...