Juday: Magmahal ka man ng bakla o tomboy, OK lang ‘yun!


TAWA nang tawa si Judy Ann Santos when she was asked kung merong bading na nanligaw sa kanya o kung meron siyang nakarelasyong beki?

“Wala. Wala at all. Wala,” sunud-sunod niyang sagot sa presscon ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na pinagbibidahan nila nina Angelica Panganiban, JC de Vera at Joross Gamboa.

Ang role kasi ni Juday sa movie ay asawa ni Joross na hindi niya alam na bading pala. Huli na nang malaman niyang gay ito.

When asked kung carry niyang makipagrelasyon sa bading ay ito ang sagot ni Juday: “Depende naman ‘yon. Sa tunay na buhay. Kasi may mga relationship naman ngayon na…example, parang si Ogie Diaz.

“Makakatagpo ka ng isang tao, bading man iyan o lalaki, na ‘yung level ng pagmamahal niya sa ‘yo, hindi mo na iisipin kung ano ang gender niya, e, kasi masyado ka niyang mahal, masyado ka niyang inaalagaan. Iyon lang naman ang pinaka-importante, ‘yung may respeto.”

“Pero kapag dumating ka sa punto na parang nawala na ‘yung respeto sa relationship ninyo, doon na nagkakaroon ng problema. Pero ‘yung magmahal ng bakla, or magmahal ng tomboy, it doesn’t really matter. Kasi ang importante ay totoo ‘yung pagmamahal ninyo sa isa’t isa,” dagdag pa niya.

Read more...