Paulo problemado noong 2017: Gusto kong bumawi sa anak ko! | Bandera

Paulo problemado noong 2017: Gusto kong bumawi sa anak ko!

|January 11,2018
facebook
share this

Paulo problemado noong 2017: Gusto kong bumawi sa anak ko!

- January 11, 2018 - 12:05 AM

PAULO AVELINO

“MORE time for my son!” Ito ang nais ibigay ng Kapamilya hunk na si Paulo Avelino sa kanyang anak kay LJ Reyes na si Ethan Akio o Aki.

Inamin ni Paulo na talagang nagkulang siya ng panahon para sa anak dahil sa personal na problema at sunud-sunod na trabaho last year. Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, sinabi niyang gusto niyang punan ang kanyang mga pagkukulang kay Aki ngayong 2018.

“For the longest time kasi hindi ko nakita ang anak ko dahil nagkaroon ng problema sa maraming bagay. Mid-last year naayos na at nakikita ko na ang anak ko. Ang problema naman minsan kapag malungkot ka gusto mo magtrabaho nang magtrabaho.

“So, ang dami kong tinanggap na trabaho na aabot hanggang mid this year yata. So siguro, kulang ko last year, this year siguro more time for my son. Lumalaki na rin,” pahayag ng binata na muling mapapanood sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Asintado kasama sina Julia Montes at Aljur Abrenica.

In fairness, masaya naman daw ang kanyang personal na buhay dahil bukod sa kanyang anak, isa pa as inspirasyon niya ngayon ay ang kanyang Filipino-Polish girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek.

At sana raw, mabigyan din niya ng sapat na panahon ang nobya ngayong Bagong Taon, “Sana talaga magkaroon ng oras sa mga minamahal natin sa buhay na labas din sa ginagawa natin sa trabaho. Alam niyo naman sa trabaho natin round the clock tayo for several days dire-diretso. Ngayon naman gusto ko lang balansehin,” sey pa ni Paulo.

Samantala, panibagong challenge na naman para kay Paulo ang role niya sa pinakabagong serye ng ABS-CBN, ang Asintado na magsisimula na sa Jan. 15 sa Kapamilya Gold.

Gagampanan niya ang karakter ni Gael, anak ng isang maimpluwensyang pamilya na mai-involve sa karakter ni Julia Montes bilang si Ana. Kukunin niya ito bilang personal nurse matapos siyang iligtas mula sa gumuhong minahan.

Magkakainlaban ang dalawa ngunit guguluhin ni Samantha (Shaina Magdayao) ang kanilang relasyon dahil hindi ito papayag na maagaw sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya. Pahihirapan niya nang todo si Ana ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ito ang nawawala niyang kapatid.

Makakasama rin sa Asintado sina Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Lito Pimentel, Agot Isidro, Nonie Buencamino, Gloria Sevilla, Aaron Villaflor, Louise delos Reyes, Julio Diaz, Empress Schuck, Chokoleit, Ryle Santiago at Karen Reyes, sa direksyon nina Onat Diaz at Lino Cayetano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending