Pamilya ni Ai Ai ‘pambansang patola of the year’


AND the “4 P’s” Award goes to…Ai Ai delas Alas-Sibayan and family!

Malayung-malayo sa 4 P’s na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga pamilyang nangangailangan ng pantawid sa kanilang pamumuhay, ang kay Ai Ai at sa kanyang pamilya’y “pagkilala” sa kanila bilang “Pambansang Pamilyang Patola sa Pamba-bash.”

First it was only Ai Ai na mapagpatol sa kanyang mga basher. Now she’s joined by the members of her family, her husband Gerald included.

Nag-ugat ang trade of barbs sa litratong magkasama si Alden Richards at bunsong anak ni Ai Ai, si Sophia.

The harmless photo opened the floodgates para i-bash si Sophia ng ilang netizens—obviously the menacing AlDub fanatics—na kung makaangkla raw sa aktor ay akala mo kapamilya.

Alden na isang Kapuso, kapamilya ng mga Delas Alas?

Anyway, very smart ang sagot ni Sophia: Alden need not be blood-related to be family to them.

Oo nga naman, ang dami-dami nga nating tinatawag na kuya’t ate, tito’t tita, tatay at nanay sa showbiz yet not a drop of blood common to us runs through our veins.

Like any parent whose child is in trouble, natural lang na ipagtanggol ni Ai Ai si Sophia. Not only will she take a bullet for her daughter, she will also even swallow even a scud missile aimed at Sophia.
q q q

Bilang isang tipikal na kuya, to the rescue rin si Sancho Vito sa kanyang bunsong kapatid lalo’t babae pa mandin ito.

At bilang kabiyak na ngayon ni Ai Ai, hindi rin pinalampas ni Gerald ang pamba-bash sa itinuturing na niyang anak (albeit instant).

Bagama’t hindi lahat, ay ibang klase rin naman kasi ang ilan o karamihan sa mga netizens (who include some rabid AlDub supporters) na kung mam-bash ng kanilang kapwa gives us the impression that they were born perfect, if not without original sin (turo nga sa Bibliya).

Ewan kung mga presently employed sila or too busy with anything productive, because if they are ay tiyak na mas aatupagin nila ang kanilang trabaho to alleviate their lives than see their precious time wasted sa pamba-bash lang.

But causal theory tells us na kung sumasagot man si Ai Ai at ang kanyang pamilya, this is simply the effect brought about by the cause. Normal reaction to an abnormal situation, to be more specific.

Pero kung sinasabi nating there are a thousand ways to skin a cat, marami rin ang paraan in dealing with one’s critics and detractors, and in cyber space, bashers.

Ang pinili kasing lengguwahe sa pagsagot ng kampo ni Ai Ai is even worse than these idle pipol. Tinawag nilang “bobo,” “tanga,” “tae” and all sorts of labels ang mga ‘yon.

Ang ending: pati ang pagiging Papal awardee ni Ai Ai ay ibinutas sa kanya.

May point din nga naman. If we are how we look, ganu’n din sa pagsasalita. We are what we speak.

Kung ganu’n ang karakas ng ibang AlDub fans, why choose to clone them? Or why be them?

Kung kami kay Ai Ai or any of her family members, she or they can choose to a.) deactivate their social media account; b.) stay away from it and c.) simply go over the posts then delete them.

Let’s face it, kahit i-seminar pa nila ang mga ‘yan on the responsible use of social media, it’s just going to be an exercise in futility.

Read more...