Babala kay John Lloyd: Baka wala nang balikang career dahil kay Ellen Adarna


HINDI ang kuwento kung totoo bang magpapakasal na o hindi pa sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang nakakaalarma. Mas nakapag-iisip kung kailan ba babalikan ni Lloydie ang kanyang trabaho?

Sa ngayon ay hindi pa niya siguro nararamdaman na habang nagpapakaligaya siya sa piling ng seksing aktres ay ang dami-dami nang artistang ipinanganganak. Nagbabago na ang kapaligiran ng showbiz, marami nang pagbabago, kaya baka kapag naisip niyang bumalik na sa pag-arte ay kumipot na ang pintuan ng oportunidad para sa kanya.

Mga kabataang artista na ang mas kumikinang ang mga bituin ngayon, kaliwa’t kanan ang mga loveteams na tinatangkilik ng publiko, kaya baka kapag nainip na si Lloydie sa pagbabakasyon ay hindi na tulad nang dati ang init ng kanyang career.

Puwede namang pagsabayin ang career at personal na buhay, marami namang personalidad ang gumagawa ng ganu’n na napapanagumpayan nila, bukod-tanging si JLC lang ang pansamantalang tumalikod sa kanyang trabaho habang inaasikaso niya ang kanyang pakikipagrelasyon.

Sayang na sayang na oportunidad kapag nagkataon. Pero sabi nga ng mga artista ay walang katumbas na kahit ano at magkano ang personal na kaligayahan.

Read more...