DU30 nais ng batas para tuluyang i-ban ang mga paputok

NAIS ni Pangulong Duterte na magpasa ang Kongreso ng batas para tuluyang i-ban ang mga paputok sa buong bansa.

“The President also indicated that he will push for Congress to enact a law that will ban all firecrackers and pyrotechnics,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing matapos isinagawang pulong ng Gabinete sa Malacanang noong Lunes.

Idinagdag ni Roque na alam din ni Duterte na aabot sa 75,000 katao ang apektado sakaling tuluyang isara ang mga pagawaan ng mga paputok.

“He instructed the Department of Trade and Industry to look for alternative livelihood for the would be displaced workers,” dagdag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na nais ni Duterte na maipasa ang bagong batas sa lalong madaling panahon.

 “The President has always banned firecrackers in Davao City as a mayor. So I don’t think it’s a result of a recommendation of any other than it’s a result of his own prognosis that firecrackers and pyrotechnics are inimical to human health and safety,” ayon pa kay Roque.

Tiniyak naman ni Roque na magkakaroon ng sapat na konsultasyon sa mga apektado ng tuluyang pagbabawal ng mga paputok.

Yes, in fact that’s why he wants Congress to enact the law, begin hearing on the proposed bill that would ban firecrackers as early as possible to afford stakeholders to be consulted,” ayon pa kay Roque. 

Read more...