Dumami ang mga Filipino na umaasa na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nadagdagan din ang bilang ng mga nagsabi na gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Ayon sa huling survey ng SWS noong 2017, 46 porsyento ang net optimistic rating o mga naniniwala na gaganda ang buhay sa susunod na 12 taon (49 optimists at 3 pessimists) mas mataas sa 42 porsyento (47 optimists, 4 pessimists) na naitala sa survey noong Setyembre.
Dumami rin ang umaasa na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan—52 porsyento ang nagsabi na gaganda at 9 porsyento ang hindi o net optimism na 42 porsyento.
Mas mataas ito sa 30 porsyento na naitala sa mas naunang survey.
Sinabi naman ng 41 porsyento na gumanda ang kanilang buhay kumpara noong nakaraang taon samantalang 18 porsyento naman ang nagsabi na mas humarap ang buhay.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 8-16 at kinuha ang opinion ng 1,200 respondents.
Pinoy umaasa na gaganda ang buhay-SWS
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...