Mega may korte na ang katawan, babu sa itim na damit

SHARON CUNETA

MALAKI na ang nabawas sa timbang ng Megastar. Red ang kanyang suot, hindi itim, na nakapagtatago ng kalusugan. Mapapansin agad ang kanyang pagpayat dahil kitang-kita ang lumiit na bulto ng kanyang katawan.

Kapag tumatayo si Sharon Cuneta ay kapansin-pansin din na may kurbada na siya, matambok ang likuran, na dati’y hindi nakikita dahil balot na balot siya ng katabaan.

Hindi biro ang apatnapung taon niyang pamamayagpag bilang singer-actress, marami siyang kakontemporaryong hindi na aktibo ngayon, pero ang Megastar ay nandito pa rin at minamahal ng publiko.

Bumati kay Sharon sa espesyal na tribute sa kanya ng ASAP ang pinakamamahal niyang pamilya na pinangungunahan ni Senador Kiko Pangilinan. Kinantahan din siya nina Frankie at Miel, habang parang wala naman sa mood ang kanilang adopted child na si Miguel, na ayon kay Sharon ay isang komedyante.

Sa kanyang pasasalamat ay nabanggit ng Megastar na malapit na silang mawala sa isa’t isa ng kanyang mister na senador nu’ng nakaraang taon. Salamat nga naman dahil matagumpay nilang naisalba ang kanilang relasyon.

Forty years. Apat na dekada. Hindi biro ang panahon ng pagrereyna ni Sharon Cuneta. Congratulations!

Read more...