Maangas na beking TV personality nakarma sa sobrang kayabangan, nganga ang career

MATAGAL na palang maraming naiimbiyerna sa kaangasan ng isang becking personalidad. Nabigyan lang siya ng magandang exposure sa isang malaking network ay pumasok na agad-agad sa kanyang ulo ang kayabangan.

Nagkaroon lang siya ng mga viral video, ang akala ng mayabang na becki ay wala nang katapusan ang lahat, kaya ganu’n na lang siya kaangas.

Kuwento ng isang source, “Nakatrabaho siya ng isang friend ko. Hindi pa man, e, maldita na talaga siya.

Kapag sinasabi sa kanya ng staff kung ano ang gagawin niya sa show, agad na siyang nakaangas, ‘Alam ko!’

“Ganu’n! Pa-know ang bading, parang alam na niya ang lahat, parang ayaw niyang tinuturuan siya! Maldita na, e, mayabang pa!” sabi ng aming impormante.

Nu’ng minsan namang magpunta sa isang mataong lugar ang becki ay marami ring naangasan sa kanya.

Akala raw kasi ng mga nandu’n ay sa TV lang siya nakataas-noo habang rumarampa pero kahit pala walang camera ay ganu’n pa rin ang bakla!

“Kumain sila ng kasama niyang becki, kung makatingin pala ang becking ‘yun, e, parang sinusukat niya ang itsura ng mga tao. Nu’ng may lumapit sa kanya para makipag-selfie, ibinagsak niya sa plate ang kutsara at tinidor niya!

“Di ba naman? Hindi pa nga siya arrive, e, ganu’n na ang attitude niya, malditics na siya, e, wala pa naman siyang karapatan! Puwede ba, uso lang siya nu’n, ha?

“Pero ngayon, e, nganga na siya. Kumalat na kasi kung ano ang ugali niya, mahirap siyang katrabaho, kaya trabaho mismo ang nawala sa kanya! Marami pa dapat siyang gagawing projects sa network, pero waley na ngayon! Nganga na siya, at walang dapat sisihin sa nangyari kundi ang kamalditahan niya!” sabi pa ng aming source.

Aysus, napakaraming becki ngayon sa mundo ng telebisyon, pero madaling makilala kung sino ang maldita at mayabang na becking ito.

At mahuhulaan n’yo agad kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kung naka-high heels kayo! Rampa na!

Read more...