9 BIFF, 1 kawal patay sa bakbakan | Bandera

9 BIFF, 1 kawal patay sa bakbakan

John Roson - January 07, 2018 - 09:16 PM
SIYAM na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isang sundalo ang nasawi sa sagupaan sa Datu Unsay, Maguindanao, Sabado ng gabi, ayon sa militar.   Sugatan din ang isa pang kawal, habang pinaniniwalaan na may mga nasugatan din sa BIFF, sabi ni Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division.   Nagsimula ang sagupaan sa Brgy. Maitumaig alas-7:23 at tumagal hanggang hatinggabi, aniya.    Nagsasagawa ng combat operations ang 64th Division Reconnaissance Company nang makasagupa ang tinatayang 50 kasapi ng BIFF na pinamumunuan ni commander “Karialan.”   “Naunahan natin ‘yung grupo na ‘yan, natambangan ng mga kasundaluhan natin kaya nagkaroon sila ng hindi bababa sa siyam na casualty,” ani Encinas.    Gumamit din ang mga tropa ng pamahalaan ng air at artillery fire noong ksagsagan ng engkuwentro, para suportahan ang ground troops, aniya.   Narekober ng mga sundalo ang bangkay ng limang napatay na kasapi ng BIFF at nakatanggap ng ulat na may apat na iba pang nasawi, ani Encinas. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending