Relasyong Ellen-John Lloyd nagsimula sa walwalan, tutuloy na nga ba sa kasalan?

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

KUNG totoo nga na nakaplano nang magpakasal sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa susunod na buwan ay isang magandang progreso ‘yun sa kanilang relasyon.

Mapatutunayan nila na hindi lang laro ang kanilang relasyon, hindi lang ‘yun resulta ng kanilang pagwawalwal, kundi tunay na pagmamahalan ang namamagitan sa kanila.

Panahon na rin para magbuo ng isang pamilya si JLC. Numinipis na ang kanyang buhok, tumataas na ang kanyang hairline, hindi na siya bumabata.

Ito na ang pinakahinog na panahon para asikasuhin ng magaling na aktor ang magkapa-milya, hindi siya habambuhay na sikat at malakas, ang mga anak niya ang gagabay sa kanya kapag dumating na ang kanyang edad na sobra-sobra na ang lampas sa kalendaryo.

Iba pa rin ang may sariling pamilya, hindi niya makakasama ang kanyang mga magulang nang habampanahon, pero kung makapagbubuo sila ng mundo ni Ellen Adarna ay ‘yun ang masasandigan niya sa kanyang pagkakaedad.

Magandang balita ito. Hihintayin ng buong bayan ang kanilang pagpapakasal. Ang relasyong nagsimula lang sa walwalan ay mauuwi pala sa altar. Napakagandang senaryo ang patutunayan nila sa publiko kapag na-tuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Read more...