SA sobrang dedicated ni Thea Tolentino sa kanyang trabaho, napagdesisyunan na pala niyang kumuha na lang ng sarili niyang tirahan malapit sa GMA Network.
Aniya, para raw talaga ito sa comfortability niya tuwing may taping para sa serye nila nina Sanya Lopez, Rocco Nacino at Pancho Magno na Haplos. Ayaw daw kasi niyang nale-late sa trabaho at ma-delay ang taping dahil sa kanya.
Speaking of their Afternoon Prime series, agree si Thea na simula pa lang nang istorya nina Lucille at Angela (Sanya Lopez) ay talagang salbahe na ito.
Kaya naman it’s a must na abangan pa ng loyal Kapuso viewers kung anong mangyayari sa Haplos lalo na ngayong inggit na naman ang umiiral sa kanya ngayong unti-unti nang gumaganda uli ang buhay ni Angela.
MOST READ
LATEST STORIES