Sharon umaming muntik na silang maghiwalay ni Kiko noong 2017

 

MUNTIK nang maghiwalay sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan noong nakaraang taon.

Ito ang inamin ni Megastar nang mag-celebrate siya ng kanyang birthday sa ASAP. Ibig sabihin may bahid ng katotohan ang mga naglabasang chika last year na on the rocks na ang kanilang married life.

“To Kiko, thank you. We’ve been through so much. We almost lost each other last year,” ang pahayag ni Mega.

Kinantahan ng kanyang mga anak na sina Frankie at Miel ang singer-actress on stage habang sinorpresa naman ni Kiko at ng anak nilang si Miguel ang kanyang asawa.

“Congratulations, We’re very proud of you. We love you,” mensahe nh senador kay Mega.

Read more...