MRT nasira ulit

MRT

Bago pa man magsimula ang operasyon ay nagkaroon na ang technical problem ang Metro Rail Transit Line  3 kaninang umaga.

Alas-5:19 ng umaga ng magkaroon ng technical problem ang MRT 3. Nagsisimula ang operasyon ng MRT alas-5:30 ng umaga. Inaasahan na 12 tren ang bibiyahe kapag linggo ng umaga.
Nagbalik naman sa normal ang operasyon alas-6:07 ng umaga.
Noong Sabado ay dalawang beses naman nasira ang tren ng MRT. Una alas-7:48 ng umaga kung saan pinababa ang mga pasahero sa Santolan-Anapolis station south bound.
Nasira naman ang tren sa Quezon Avenue station south bound alas-2:21 ng hapon.
Pinababa rin ang mga pasahero ng tren sa Shaw Boulevard station north bound alas-7:41 ng umaga noong Biyernes.

Read more...