Bago pa man magsimula ang operasyon ay nagkaroon na ang technical problem ang Metro Rail Transit Line 3 kaninang umaga.
Alas-5:19 ng umaga ng magkaroon ng technical problem ang MRT 3. Nagsisimula ang operasyon ng MRT alas-5:30 ng umaga. Inaasahan na 12 tren ang bibiyahe kapag linggo ng umaga.
Nagbalik naman sa normal ang operasyon alas-6:07 ng umaga.
Noong Sabado ay dalawang beses naman nasira ang tren ng MRT. Una alas-7:48 ng umaga kung saan pinababa ang mga pasahero sa Santolan-Anapolis station south bound.
Nasira naman ang tren sa Quezon Avenue station south bound alas-2:21 ng hapon.
Pinababa rin ang mga pasahero ng tren sa Shaw Boulevard station north bound alas-7:41 ng umaga noong Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.