Horoscope, January 07, 2018 | Bandera

Horoscope, January 07, 2018

Madam Sophia |January 07,2018
facebook
share this

Horoscope, January 07, 2018

Madam Sophia - January 07, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahihirapan kang magdesisyon ngayon dahil may mga kaibigan na naman na mangangailangan ng tulong. Sa bagay ganyan nga yata talaga ang papel mo sa mundo ang tumulong sa mga nangangailangan. Ipagpatuloy mo lang ang pagtulong, dahil nakahanda na ang regalo sa iyo ng langit, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang kusang babalik sa iyo. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig, wag ng ulitin ang nakaraang mga pagkakamali dahil makagugulo lang yon sa kasalukuyang ligaya. Sa pinansyal, sa dahan-dahan at unti-unting pag-iipon darating ang araw yayaman ka rin mas mayaman pa sa mga taong hinahangaan mo. Mapalad ang 7, 13, 20, 29, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2018 basta’t lagi ka lang magpaganda at magpa-sexy, sa pinansyal at pag-ibig siguradong sasagana ka at magiging maligaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Maraming mga pagbabago ang hatid ng 2018. Sa pinansyal, bagong negosyo at bagong pagkakakitaan ang higit na magpapaunlad sa iyo. Sa pag-ibig, higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Om.” Silver at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — May bagong kalakal na iaalok ang isang kaibigan. Kung siya ay isang Capricorn sunggaban mo agad upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo, yayain siyang mamasyal sa mga lugar na paborito nyong puntahan. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Apple green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pag-ibig, tigilan na ang madalas na pambubulyaw at pang-aaway sa kasuyo. Mas mainam din na sa panahong ito, maging mabait ka sa iyong mga tauhan, upang maging mabait din sa iyo ang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Iwasan ang pagiging perpeksyonista! Kapag ganyan kang lagi, hindi matatapos agad ang mga gawain, isipin mo kung mas mabilis kang nakakatapos, mas marami kang magiging pera. Sa pag-ibig, wag pintasan ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Sol-Maya-Om.” Lilac at White ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito ng 2018, ingatan ang pigura, kapag pumangit ka, magkaroon ng problema sa pag-ibig at pakikipag-relasyon. Panatiliin ang pagiging wholesome at sexy. Hindi dapat gumasta ng malaking halaga sa pagpapaganda konting exercise lang ay sapat na. Mapalad ang 8, 14, 25, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yumana-Pad-Meh Om.” Beige at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, tanggalin ang pag-aalinlangan, panatiliin ang tiwala upang lumigaya ang relasyon. Sa pangangalakal, magtiwala sa sariling kakayahan — kayang-kaya mo namang magpayaman! Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag masyadong mabait! Sa taong ito ng 2018 sa sobrang kabaitan, mauubos agad ang pera. Hindi masamang mamigay at magpautang, pero wag naman sobra. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagpakitaan ng sobrang kabaitan, ang kasuyong kayumanggi ang kulay ng balat. Mapalad ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava”. White at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Pagtiyagaan ang kasuyong walang kuwenta, malay mo magbago din siya lalo na’t malapit na ang Valentine. Kung wala pa ring maaasahan sa kasuyo, ikaw ang dapat magsikap, upang umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 28, 34, 38 at 40. Mahiwag among mantra: “Chandaya-Sandapha-Om.” Beige at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi dapat ipaubaya sa iba ang kapalaran. Wag ka kasing asa ng asa sa ibang tao. Sa sarili mong diskarte sa taong ito ng 2018 kaya mong umunlad at lumigaya sa sarili mong paraan. Mapalad ang 4, 11, 22, 29, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Grehan-Karan-Om.” Black at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2018 dagdag na ispiritualidad ang dapat. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag sinamahan ng panalangin ang bawat araw ngayong taong 2018, ang iyong wish ay mas mabilis na matutupad. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending