Sinon pinatatanggal sa Bulaga; dating alalay kinawawa raw


PASABOG ang revelations ng dating personal assistant ni Sinon Loresca na si Jefone Mariscal Panal.
Sa post na nabasa namin sa isang popular website, ibinandera ni Jefone ang mga pinaggagagawa sa kanya ni Sinon.

Awa ang naramdaman ng maraming netizens when Jefone revealed na ginugutom siya ni Sinon. Mas lalo pa silang naawa dahil ang claim niya ay ipinapahiya at minumura siya ng komedyante sa harap ng maraming tao. Pero ang talagang tumimo sa puso ng netizens ay ang kuwento niyang hinayaan siya ni Sinon na mabasa ng ulan habang bitbit ang kanyang mamahaling bag.

Napagalitan siya ni Sinon dahil nabasa daw ang expensive bag nito. ‘Yun daw ang turning point sa kanya kaya nilayasan na niya ang social media sensation.

Sa huli ay nagawa pang batiin ng “God bless” at “Happy New Year” ni Jefone ang kanyang dating amo na nagpapasuweldo sa kanya ng P5,000 a month.

Na-bash nang husto si Sinon when Jefone’s aria came out.

“Nalunod sa isang basong tubig si Sinon.”

“Kayo lang ang humahanga kay Sinon. Scripted lahat ng ginagawa niya. Halata naman.”

“Matapobre. Sana makaalis ang PA nya baka gawan pa ng mas malala ni kendeng queen kuno.”

“Sana makarma itong Sinon na ito.”

“So totoo ang mga kaganapan. tsk! Ganyan pala ugali nya. Nakakaloka sya. Sana aksyunan ito ng Eat Bulaga at maturuan siya ng leksyon.”

“Goodbye to your career, Sinon. Anyway, he is not worth watching. Very corny. He doesn’t have the wit and charisma.”

‘Yan ang aria against Sinon. Anyway, welcome ang anumang reaction mula kay Sinon.

Any comment, Sinon? Kailangang mag-explain ka agad para malinis ang name mo. Baka may magandang paliwanag ka about your PA’s pasabog.

Read more...