Sagot ni Vilma sa gagawin daw nilang pelikula ni Nora ngayong 2018: Nope!

By Julie Bonifacio January 07,2018
share this

Sagot ni Vilma sa gagawin daw nilang pelikula ni Nora ngayong 2018: Nope!

By Julie Bonifacio January 07,2018
share this

VILMA SANTOS AT NORA AUNOR

PAPASOK pa lang ang Bagong Taon nang pumutok ang balitang isa sa mga pelikulang naka-line-up sa Star Cinema for 2018 ang pagsasamahan nina Star For All Seasons Vilma Santos at Superstar Nora Aunor.

As usual, iba-iba ang naging reaksyon ng mga tao, lalo na ng Noranians at Vilmanians.

One of them said, it’s about time na makagawa na raw si Nora ng pelikula sa Star Cinema. Never pa kasing nakagawa ng movie si Ate Guy sa film outfit ng ABS-CBN, habang si Lipa Cong. Vilma ay marami nang nagawa sa Star na pawang blockbuster at umani pa ng mga karangalan sa iba’t ibang award-giving bodies.

Agad naming tinext ang very approachable at reliable na president ng VSSI (Vilma Santos Solid International) na si Jojo Lim kung aware ba siya sa balitang movie nina Ate Vi at Ate Guy.

Nagulat din daw siya sa balita. So, we asked him baka pwedeng makunan ng reaction si Cong. Vi tungkol dito. The following day, Jojo forwarded to us Cong. Vi’s text message and reaction regarding the issue.

Say ni Cong. Vi kay Jojo through text, “Nope!! Wala pa akong nakakausap plus got really very busy ng November/December!!! Now pa lang ako naka-break nitong holidays.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending