PGT 2018 mas pinatindi, mga hurado level-up na rin


ISANG malaking pasabog agad ang handog ng ABS-CBN sa mga manonood sa pagbubukas ng 2018 dahil magbabalik na ang world class talent search na Pilipinas Got Talent tuwing Sabado at Linggo para muling hanapin ang pinakamahusay na Pinoy acts sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pangunguna pa rin ni Billy Crawford kasama si Toni Gonzaga, ang ikaanim na season ng PGT ay muling magpapasiklab tuwing weekends kasama pa rin ang judges na kinabibilangan nina Freddie Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla at Vice Ganda.

Talaga namang level up ang kumpetisyon dahil mas palaban ang acts na nag-audition sa bagong season. Tunay ngang malikhain ang Pilipino dahil maraming acts na first time niyo lang mapapanood.

Umarangkada na ang live auditions sa Cebu noong nakaraang buwan para salain ang acts mula sa Visayas at Mindanao at susunod naman ang Manila auditions na gaganapin next week sa Tanghalang Pasigueno.
Hindi lang sa PGT nagpakitang gilas ang Pinoy acts dahil maging ang buong Asya ay napabilib din nila sa Asia’s Got Talent.

Tinanghal na grand winner sa unang season nito ang shadow act mula PGT na El Gamma Penumbra.
Sino kaya ang tatanghaling pinakamahusay na act para sa ika-anim na season? Tutukan ang pagsisimula ng mas matinding PGT na nagsimila na kahapon sa ABS-CBN.

 

Read more...