Kris kay Erich: Hindi siya fake, at love niya talaga ang mga anak ko!

RELATE na relate si Kris Aquino sa mga hugot na eksena ni Erich Gonzales sa 2017 MMFF entry na “Siargao” na balitang pumasok na sa Top 5 ng taunang festival.

Perfect 5 ang ibinigay ng Queen of Social Media & Internet sa pelikulang idinirek ng kanyang inaanak sa kasal na si Paul Soriano matapos ang kanyang pa-block screening sa Ayala Malls The 30th nitong nakaraang Huwebes.

Pinuri ni Kris ang cinematography ng movie at ang natural at makatotohanang akting ng cast, lalo na sina Erich, Jericho Rosales at Jasmine Curtis. Kahit si Bimby na kasama ni Kris na nanood ay nag-enjoy sa movie. Nag-react lang ang bagets sa kissing scene ni Erich kina Echo at Enchong Dee.

“With five as the highest, I’ll give ‘Siargao’ a five. This is a movie to watch in the cinema. Kasi for you to be able to appreciate the beauty of Siargao. Ang ganda talaga ng Siargao, dito ko nakita kung gaano siya kaganda talaga, grabe.

Marami raw naalalang personal experience si Kris habang pinapanood ang “Siargao”, “Gusto kong maiyak lalo na do’n sa tinatanong ni Erich kung ano ang favorite flavor niya ng popcorn. Tama yung tanong pero mali yung sagot. Basta may naalala ako doon.”

Nang tanungin kung ito ba yung time na nag-propose sa kanya si Mayor Herbert Bautista sa Italy for the second time, natatawang sagot ni Kris, “Ha-hahaha! Basta!”

Nakachikahan namin si Kris kasama ang ilang miyembro ng entertainment media sa mismong bahay niya sa Greenmeadows. Nagpameryenda ang mommy nina Joshua at Bimby kasama si Erich at dito nga niya naikuwento kung paano nag-start ang friendship nila ni Erich.

“Alam n’yo kasi, she wasn’t ever on my radar yet but I remember my niece Gia and her mom, si Viel, naadik talaga sila sa Katorse. Sila talaga, must-watch nilang magnanay yon.

“And yung pamangkin ko na ‘yon Poveda, and after Poveda, Philippine Science. Talagang na-ano, and si Viel, sabi niya, ‘She’s really good,’ ganyan-ganyan.

“And then, nu’ng close na kami, ang nakita namin na talagang sobrang galing niya was with Two Wives nila ni Kaye Abad. But more than yung pagiging actress, naging friend namin siya talaga, eh,” litanya ni Kris.

“Kasi ang mommy niya nakatira sa Davao. Tapos yung ate niya nasa Japan. So parang nagka-bonding kami talaga. Tapos yung ate niya sinulatan pa ako to say thank you for really treating her like a family. Yung ate talaga niya ang super ka-close ko talaga,” aniya pa.
Nagpapasalamat din si Tetay sa pagmamahal na ibinibigay niya sa kanyang dalawang anak.

“Sila ni Bimbs, meron silang tightness talaga, kasi even before, na kunyari meron akong taping na out of town tapos magsusyuting, dadalaw yan talaga sa mga bata at magdadala ng food na silang tatlo lang.

“Alam mo yung mapi-feel mong genuine. What I like about her is hindi talaga siya fake,” aniya pa.

Pwede pang mapanood ang “Siargao” hanggang ngayong araw bilang bahagi pa rin ng 2017 MMFF, pero inaasahang mae-extend pa ito sa mga sinehan dahil patuloy pa rin itong pinipilahan ng madlang pipol dahil na rin sa magagandang review ng mga nakapanood na.
Malaki rin ang naitulong ng pagkapanalo ng pelikula bilang second Best Picture sa 2017 MMFF Gabi ng Parangal.

Samantala, super touched naman si Erich sa pa-block screening ng kanyang ate Kris. “Sabi ko, ‘Ate, grabe naman.’ Alam ko, super busy rin siya, so di ba, for her to take the time para mapanood yung movie namin, siyempre masaya and finally nakita niya.

“Sobrang saya ko dahil nagustuhan niya yung pelikula namin. Super proud si ate sa mga achievements ko. Super nakakatuwa, ateng-ate talaga. Pamilyang-pamilya. I’m so blessed,” aniya pa.

Read more...