Para sa may kaarawan ngayon: Araw-araw gumising ng maaga at isulat sa papel ang schedule na dapat tapusin, sa isang buong linggo at sa isang buwan. Sa ganyang paraan, sistematiko ang bawat kilos, sa taong 2018 mas madali kang uunlad at magtatagumpay. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Silver at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Mag-ingat sa mga kaibigang nagbabait-baitan, may roon na namang mangungutang. Hindi dapat pautangin ang mga taong hindi marunong mag bayad. Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa ika-6 na araw sa buwan ng Enero lalo kang susuwertehin kung magsuot ng damit na kulay pula. Sa pag-ibig dahil sa kulay na pula, isang buong linggong aani ng ligaya at masarap na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kumilos ng kumilos at mag-exercise ng regular araw-araw sa buong taong ito ng 2018. Kapag nagawa mo yan, mas madaling lalago ang kabuhayan, at sa pag-ibig mas lalong sisigla ang romansa habang papalapit ang buwan ng Pebrero. Mapalad ang 5, 9, 14, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Gray at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Huwag hayaang lumayo ang kasuyong Capricorn, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung wala siya. Hanggat may panahon pa habulin at pabalikin mo na siya. Mapalad ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahme-Neva-Om.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa ka-pamilyang nangangailangan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Dahil mabilis na naubos ang pera nitong nakaraang Holiday Season, panahon na upang iwasang magtapon ng salapi sa mga walang kabuluhang bagay. Sa pag-ibig hikayatin din ang kasuyo na mag tipid-tipid muna. Mapalad ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Brahma-Aum-Namah.” Violet at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Huwag makipag-landian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa pinansiyal, ipon lang ng ipon ang pormula upang yumaman. Mapalad ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Yellow at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa taong ito ng 2018 may bagong pag-ibig na darating hatid ng isang nilalang na isinilang sa buwan ng Hulyo. Sa pinansyal, lakas ng loob at pormulang sugod ng sugod ang sa iyo ay magpapayaman. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito wag makibarkada sa mga taong walang pera mauutangan ka lang nila. Piliin ang mga kaibigang mayayaman, upang lumipat sa iyo ang suwerte nila. Sa gandang huli magugulat ka pa, kung paanong mayaman ang iyong mga kaibigan at kabartkada, ganon ka rin naman. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” White at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi ka yayaman sa sariling bayan. Upang umunlad at lumigaya maghanap ka ng pagkakakitaan sa malayong pook. Sa abroad, nandoon ang ligaya at malaking pag-unlad. Mapalad ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi mabuti ang sobrang galante. Kapag ganyan ang iyong ugali, hindi ka yayaman. Upang masolusyunan, ang pagiging bulaksak, mag-hanap ng kuripot na asawa. Sa ganyang paraan mas madaling uunlad ang inyong pamilya. Mapalad ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mag-display ng aquarium sa entrada ng bahay ngayong 2018. Lagyan ng 8 isdang pula at isang isdang itim, puwede ding: 8 isdang itim at isang isdang pula. Kapag nagawa mo yan, susuwertehin ka sa pag-ibig at sa pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Red at black ang buenas.
Horoscope, January 06, 2018
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...