Grand Lotto jackpot papalo sa P130M

WALANG nanalo sa P119.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 draMiyerkules ng gabi kaya inaasahang aabot na sa P130 milyon ang premyo sa bola nito sa Sabado.
Ayon kay Joseph Muego, ng office of the general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nakakuha sa mga lumabas na numerong 55-45-41-38-12-30.
Umabot sa P45.829 milyon ang halaga ng itinaya para sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Samantala, nanalo naman ng tig-P190,950 ang 12 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P2,140 naman ang 855 mananaya na naka-apat na numero at tig-P20 ang 20,412 na naka-tatlong numero.

Read more...