Regine, Kuya Dick may ‘throwback date’ sa Sarap Diva


ULTIMATE throwback date ang magaganap sa unang Sabado ng 2018 sa favorite cooking show ng bayan with a big twist, ang Sarap Diva sa GMA 7.

Bibisita for the first time sa bahay ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang nag-iisang Kuya Dick ng bayan – si Roderick Paulate!

Umaatikabong chikahan ang magaganap at hindi palalampasin ni Inday Teri na magpaturo ng acting na tanging si Kuya Dick lang ang nagpauso. Kasama ang very special surprise guest – ang BFF ni Kuya Dick, si Ate Velma kaya may bukingan pang magaganap!

Isang classic Pinoy merienda with a twist din ang ihahanda ni Regine! Tutukan ang throwback paandar ni Songbird ngayong umaga sa Sarap Diva after Maynila sa GMA 7 lang.

Read more...