Guro magdi-DH (2) | Bandera

Guro magdi-DH (2)

Joseph Greenfield - June 21, 2013 - 09:00 AM

 

Sulat mula kay Lisa ng Lutayan, Sultan Kudarat

Problema:

1. Hindi ako nakapasa sa board exam ng pagka-guro kaya hindi ako makapagturo. Dahil nagsasawa na ako sa pagiging istambay, nag-apply ako sa agency bilang DH sa ibang bansa. Sa Middle East ito.

2. Itatanong ko lang kung matutuloy kaya ako sa taon ito o sa 2014? Wala rin akong boyfriend, kaya gusto ko ring malaman kung kailan ba ako magkaka-boyfriend? May 12, 1990 ang birthday ko.

Umaasa, Lisa ng Lutayan, Sultan Kudarat

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing bukod sa pangingibang bansa, sa susunod na taon, matutupad na rin ang pangarap mong magka-boyfriend, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo.

Numerology:

Ang birth date mo ay nagsasabing ang lalaking magiging first and last boyfriend mo na makikilala mo sa ibang bansa ay nagtataglay ng birth date na 7, 16 o kaya’y 25. Sa piling ng nasabing lalaki may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na pakikipag-relasyon.

Luscher Color Test:

Upang mapanatili ang suwerte nasaang lugar ka man, laging mag suot at gumamit ng kulay na pula at berde. Ang nasabing kulay ang magdadala sa iyo ng magaganda at positibong kapalaran.

 

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lisa, ayon sa iyong kapalaran, maghintay-hintay ka lang, dahil tulad ng nasabi na, lilipas ang ilang buwan simula ngayon, sa susunod na taon 2014 sa buwan ng Enero pinakamatagal na sa buwan ng Abril, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran, at sa nasabing pag-aabroad, doon mo na rin makikilala ang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo, na siya na ring magiging first and last boyfriend mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghahambuhay na pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending