Vice naka-experience ng malakas na lindol sa USA: OMG! Nakaka-stress!!!


NALOKA ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa na-experience na lindol sa San Francisco, California, USA.

Nag-post ang TV host-comedian sa kanyang Twitter account tungkol sa naganap na lindol sa San Franciso na aniya’y nakakatensyon dahil medyo malakas ang pag-ugang naramdaman nila.

“O my God ang lakas ng lindol dito sa San Francisco. Kala ko may multong yumugyog ng kama ko. Nakakastress!!! Lord keep us safe please,” tweet ni Vice.

Nag-alala naman ang kanyang mga followers sa social media at agad nag-alay ng dasal para sa kanilang kaligtasan sa nasabing bansa.

Sa ulat, ang San Francisco Bay Area raw ang tinamaan ng magnitude-4.4 earthquake nitong nakaraang Huwebes na tumagal ng 10 segundo.

Nasa California ngayon si Vice kasama ang kanyang pamilya, doon sila nag-celebrate ng New Year. Sinorpresa ng ko-medyante ang kanyang inang si Nanay Rosario na talagang naiyak nang makita ang anak.

Ang alam ni Nanay Rosario ay sa Hong Kong magnu-New Year si Vice pero nabigla ito nang makita ang anak na nag-disguise bilang waiter sa kinakainang restaurant.

Read more...