DepEd may good news para sa mga public school teachers

Bukod sa pakinabang sa tax reform package, madaragdagan din ang allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan ngayong taon.
Ayon sa DepEd hindi na papatawan ng personal income tax ang mga Teacher I na sumasahod ng P19,620 kada buwan.
Ang Teacher I (Salary Grade 11) na walang dependent ay may take home pay na P17,220.86 noong nakaraang taon kasama na dito ang Personnel Economic Relief Allowance.
Kasama ang third trance ng Salary Standardization Law of 2015 na ibibigay ngayong taon, ang Teacher 1 ay mayroon ng gross basic salary na P20,179 at may net take home pay na P20,012.89.
Ang pagtaas ay P16.21 porsyento o P2,792.03 kada buwan.
Ang chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan ay ginawa ting P3,500 mula sa P2,500. Ibinibigay ito taon-taon para ipambili ng mga guro ng mga gamit sa pagtuturoo.
Ang clothing allowance ay ginawa namang P6,000 o mas mataas ng P1,000.

Read more...