Tiyuhin ng pinatay na 11-anyos na babae arestado sa  Valenzuela City

NAARESTO ng mga otoridad ang tiyuhin ng 11-anyos na batang babae, na nauna nang natagpuang patay sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Valenzuela City.

Nahuli ang 47-anyos na si Ricky Castillano ganap na alas-8 ng kagabi sa Danding Building sa kahabaan ng CJ Santos st. 

Sinabi ni PO3 Robin Santos na inamin ni Castillano ang pagpatay sa pamangkin. Ginilitan umano niya ng leeg ang biktima gamit ang isang kitchen knife, at nagtago sa Danding Building. Base sa alibi ng suspek, nagalit siya sa pamangkin matapos na hindi bumangon nang ginigising.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nadiskubre ang biktima ng kanyang siyam-anyos na kapatid na lalaki na naliligo sa sariling dugo sa sahig ng kuwarto ng kanilang bahay sa Makipot Road, Libis Bukid, Barangay Malinta, kamakalawa ng hapon.

Wala umanong saplot ang biktima sa pang ibaba kayat pinaniniwalaang ginahasa ito ng suspek.

Nakakulong ang suspek sa Valenzuela City Jail.

Read more...