Hiling ng fans: Neil Arce pakasalan at alagaang mabuti si Angel

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

ANG sweet ng sagutan nina Angel Locsin at Neil Arce sa Instagram photo ng huli where they were captured while inside a car.

“Hahahaha! Galingan natin! Hehehe,” came Angel’s respond sa message ni Neil na, “My 2017…2018…2019 and sabi nga niya pag galingan ko…my forever…Don’t worry gagalingan ko!!! I Love you.”

Ang daming natuwa para kay Angel. Finally, she has found her special someone na rin. Sana raw ay si Neil na nga ang kanyang forever! Pinagpe-pray ng fans na si Neil na sana ang pakasalan ng aktres.

Incidentally, sa La Luna Sangre, mukhang point of no return na si Jacintha Magsaysay (Angel). Parang she’s on the verge of revealing her true personality.

Siya nga ba ang nanay ni Malia (Kathryn Bernardo) o sister niya ang madir nito?

Mukhang mabibisto na kung sino talaga siya sa buhay ni Malia. O, may twist na naman sa kanyang character? ‘Yan ang aabangan sa La Luna Sangre.

Read more...