P185M jackpot ng Ultra Lotto

Inaasahang aabot sa P185 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 bukas.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office hindi tinamaan ang P180.4 milyong jackpot prize ng Ultra lotto sa bola nito noong Martes ng gabi.
Walang tumaya sa winning number combination na 33-39-10-26-07-32.
Nanalo naman ng tig-P87,710 ang 13 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Tig-P1,800 naman ang napanalunan ng 504 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 11,932 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
Noon pang Setyembre 8 walang tumama ng jackpot prize ng Ultra Lotto kaya lumaki na ito.
Dalawa ang naghati sa P256.8 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto noong Setyembre 5.

Read more...