Vilma-Nora movie tuloy ngayong 2018; dapat daw ilaban sa MMFF

By Julie Bonifacio January 05,2018
share this

Vilma-Nora movie tuloy ngayong 2018; dapat daw ilaban sa MMFF

By Julie Bonifacio January 05,2018
share this

VILMA SANTOS AT NORA AUNOR

NA-EXCITE bigla ang mga fans sa napabalitang pagsasamang muli sa isang movie ng Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang Superstar na si Nora Aunor under Star Cinema this year.

Nagmula ang balitang movie project ni Lipa Cong. Vilma with Nora sa report na inilabas ng TV Patrol na gagawin ng Star Cinema for 2018.

Una raw napag-usapan nina Ate Vi at Ate Guy ang naturang project noong magkita sila ulit sa Star Awards for Movies. Dito rin nagkabigayan ng kani-kanyang cellphone numbers ang dalawang movie queens.

If ever meron at matuloy ang project nila sa Star Cinema, wish namin na isali ito sa susunod na Metro Manila Film Festival. Sobrang tagal kasi na since parehong may movie sa MMFF sina .Cong Vi at Nora.

Ang saya-saya kaya sa tuwing magkakasalpukan sa MMFF ang mga pelikula nila noon. Kaya naging super successful ang past filmfest ay dahil sa dalawang movie queens. Pati ang awards night ng MMFF noon talaga namang inaabangan at dinadagsa ng fans ang venue.

Last na nakasama ang movie ni Cong. Vi sa MMFF ay noong 2004 para sa “Mano Po 3: My Love” ng Regal Films opposite Christopher de Leon.

Last year, hindi man siya nakita o napanood sa big screen during the MMFF, may malaking partisipasyon naman si Cong. Vi bilang isa sa bagong members ng 2017 MMFF Executive Committee.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending