Jolina kinabahan sa kundisyon ng 2nd baby

JOLINA MAGDANGAL

NAG-ALALA si Jolina Magdangal sa kundisyon ng sanggol sa kanyang sinapupunan kaya naman agad siyang nagpa-check up kamakailan. Sey ni Jolens, ilang araw na rin kasing masama ang pakiramdam niya kaya natakot siya na baka makaapekto ito sa kanyang second baby.

Sa kanyang Instagram account nagbigay ng update ang TV host-actress: “The past few days lagi masama ang pakiramdam ng tiyan ko. Feeling bloated, medyo naninigas, mabigat. Minsan nahihirapan ako huminga na parang nasusuka na kailangan ko maupo or mahiga.

“Ang ginagawa ko ay ipinapahinga ko lang, pero kahapon nung nasa Tagaytay kami, kakagising ko lang at nakatulog naman ng mahimbing pero ganun parin ang pakiramdam, kaya nagdecide kami na agahan ang balik ng Manila the next day para dumiretso ng Asian hospital para magpa-ultrasound.

“Thank you so much Papa Jesus and ok na ok si #BabyNumber2. And in-assure nya pa talaga kami na ok sya dahil naka thumb’s up. Hihihi! Naramdaman nya siguro na sobra ako nagworry kung ok sya. According to my OB, kailangan ko lang i-control ang way ko ng pagkain, dahan dahan lang. After 2-3 weeks pa ang next check up ko.”

Read more...