No sorry sa ‘gago, u–l’ na bashers – Sen. Gatchalian

SINABI ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi siya magso-sori matapos magmura sa kanyang Twitter kung saan tinawag niyang “gago”,  “ulol” at “trolls” ang kanyang mga kritiko.

“These are paid individuals, robots that are designed to destroy you and to bring out the worst in you. So why will I apologize to these peopl yanyanwho are designed to bring out the worst in you,” sabi ni Gatchalian.

Nauna nang nag-viral ang pagmumura ni Gatchalian sa social media.

“No, I will not issue an apology,” dagdag ni Gatchalian.

Ani Gatchalian hinukay lamang ng kanyang mga kritiko ang ilang lumang tweet.

Ayon pa kay Gatchalian, hindi niya pinagsisihan ang pagmumura sa Twitter.

“Regretting, cursing at trolls, I don’t think I would,” sabi ni Gatchalian.

Idinagdag ni Gatchalian na wala rin siyang balak burahin ang kanyang mga tweet. 

Read more...