P29.7M nasungkit sa Leyte

Isang mananaya sa Leyte ang nanalo ng P29.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Miyerkules ng gabi.
      Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Independence st., Mahalpag, Leyte.
      Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 29-16-05-25-12-30. Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong.
      Nanalo naman ng tig-P13,450 ang 60 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
      Tig-P310 naman ang napanalunan ng 2,050 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 25,829 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...