Ayo nagpaalam na sa La Salle


PORMAL na nagpaalam si Aldin Ayo bilang head coach sa dating koponan na De La Salle University Green Archers.

Maayos na nakipag-usap sa pamunuan ng La Salle si Ayo matapos na unang maiulat ang pagpapaalam nito kay Green Archers patron Danding Cojuangco bago lumipas ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Matatandaan na hinatid ni Ayo ang La Salle sa dalawang sunod na Finals appearance sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball kabilang ang kampeonato sa kanyang unang taon sa koponan noong Season 79.

Itinalaga na kapalit ni Ayo ang matagal nitong assistant coach na si Louie Gonzalez bilang head coach ng Green Archers matapos ang pagpupulong sa opisina mismo ni Cojuangco.

Ipinaliwanag naman ni Ayo ang kanyang naging dahilan sa sorpresang pag-alis sa La Salle patungo sa bago nitong koponan na University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers.

“We have different views in handling the team. I’ve always done what is necessary,” sabi ni Ayo sa tweet sa kanyang Twitter account na @AyoAV_Martes patungkol sa naging problema nito sa paghawak sa Green Archers.

Read more...