BANDERA “One on One”: Cristine Reyes

HINDI rin biro ang mga pinagdaanan sa buhay ni Cristine Reyes, mapa-personal man o sa kanyang career. Lapitin siya ng kontrobersiya, kahit nananahimik na nga siya ay kusa pa ring dumarating ang mga intriga sa kanya. Pero mukhang isa ngang matapang na babae ang kapatid na ito ni Ara Mina, bugbugin man siya ng tsismis at malisyosong mga paratang, nananatili pa rin siyang nakatayo at lumalaban. Nakachikahan namin si Cristine kamakailan, at doon namin nalaman na hindi pala siya masyadong pihikan sa mga lalaki, isa lang ang quality na hinahanap niya sa isang guy para magustuhan niya ito. Wala rin daw siyang inuurungang problema, hindi siya madaling sumuko sa mga challenges ng buhay. At alam n’yo ba kung sinu-sino sa mga male celebrities natin ang sa tingin niya’y matindi ang sex appeal sa mga girls? Narito ang aming one-on-one interview kay Cristine.

BANDERA (B): Kumusta ka na after Ondoy? CRISTINE REYES (CR): Okay na naman. Nakaka-recover na kahit paano. Baka lumipat na ako anytime this month sa bahay ko. As soon as kumpleto na ang mga gamit. Di ba kasi sabi nila, sa feng shui mas magandang lumipat kapag kumpleto na ‘yung mgsa kagamitan. Para maiayos mo nang tama at maganda, ‘yung swak sa taste mo. Tsaka pinapa-feng shui ko pa ‘yung ibang space ng bahay, e.

B: Kumusta na yung bahay n’yo sa Provident? Nakabalik ka na?

CR: Hindi pa. Pero okay na ‘yung bahay. Malinis na. Actually, maganda na ‘yung Provident, e. Parang wala ngang nangyari. Hindi pa namin napag-uusapan kung ano ang gagawin du’n sa bahay. Nakita ko na uli siya. Pinuntahan kasi namin nila Angel yun e. Tapos sabi ko, ‘Wow ang ganda na uli, parang hindi binagyo!’ Parang hindi ko ma-imagine kung paano nangyari yung naganap nu’ng bagyo.

B: Paano mo ini-spend ang free time mo?

CR: Ay naku, addict ako ngayon sa Facebook. Sa laptop mo lang ako makikita kapag wala akong ginagawa. Parang buong oras ko nauubos sa kaka-FB. Minsan naman sinusundo ko ‘yung pamangkin ko, namamasyal kami sa mall. Lately, napapasama rin ako sa mga showbiz friends ko, like kina Angel, kina Anne. Kami-kami ‘yung laging magkakasama kapag hindi kami busy. Ayun girl bonding kami.

B: May lovelife ka ba? Nakikipag-date ka na ba uli?

CR: Wala na. Wala akong dine-date ngayon. Ihanap n’yo nga ako. Hahahaha!

B: E, si Dennis Trillo, okay na ba kayo?

CR: Friends na uli kami ni Dennis. Nag-usap na kami. Pero hindi na namin napag-usapan kung ano ’yung nangyari sa relasyon namin. Kung ano ‘yung mga pinagdaanan naming mga problema noon. More on kuwentuhan lang, ng buhay namin. Yung nangyari sa akin nu’ng Ondoy, tapos siya kinuwento niya ‘yung nangyari sa kanila sa Boracay. Masaya, happy ako na nakapag-usap na uli kami. Parang catch-up lang. Walang masyadong seryosong usap tungkol sa past. At least pareho kaming naka-survive. Super friends na kami uli, kasi dati, hindi kami nakapag-usap nang maayos. walang closure kumbaga. Ngayon, sabi ko sa kanya, kung gusto niya akong makausap nandito lang ako and vice versa.

B: May beauty secrets ka ba?

CR: Wala akong beauty secrets. Hindi ako vain e. Minsan nga pag galing ako ng taping or shooting, hindi na ako nagtatanggal ng make-up, e, tulog agad. Siyempre pagod na pagod ka na. Buti nga hindi ako masyadong nagkakaroon ng pimples. Tsaka sabi sa akin ng mommy ko dati, huwag daw akong maghihilamos kapag puyat o pagod. Water lang ako nang water. Maganda ang effect sa akin ng water therapy. Ngayon start ng ako uli mag-diet. Hindi na ako nagra-rice. Exercise? Hindi na masyado. Medyo weak kasi ‘yung katawan ko, kaya hindi ako masyadong nagpupunta sa gym.

B: May mga dreams ka pa ba na hindi mo pa natutupad?

CR: Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, marami pa akong gustong mangyari sa career ko. One, gusto kong mag-travel around the world. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, pero gusto ko ‘yung mag-isa lang akong aalis. Gusto kong mapag-aralan ’yung culture ng iba’t ibang bansa. Yun bang paggising mo sa umaga, hindi puro Pinoy ang makikita mo, ’yung parang lost ka!

B: Baka sa pagta-travel mo makakilala ka ng foreigner na puwede mong gawing boyfriend?

CR: Malay natin, okay lang din sa akin ang magkaroon ng boyfriend an foreigner. Why not, di ba? Baka yun pala ang destiny ko at hindi Pinoy. Hahahaha!

B: Ano ba ang hinahanap mo sa isang lalaki?

CR: Wala lang, basta cute lang siya, okay na! Hahahaha! Hindi ako masyadong ma-standard pagdating sa guys. Ewan ko, hindi ko alam. Basta cute siya, kinikilig na ako nu’n! Ang babaw ko, ‘no! Pero ayoko ng boring na character. Gusto ko yung mae-enjoy ko ‘yung bawat moment na magkasama kami.

B: Ano ang dream wedding mo?

CR: Actually, hindi ko pa naiisip yung wedding-wedding. Parang ang bata ko pa para isipin ‘yan, enjoy lang ang buhay, walang pressure. Dati ganu’n ako, medyo seryoso ako, advanced ako mag-isip. Pero ngayon sabi ko, kapag dumating na ’yung time na ‘yun, du’n ko na lang siya iisipin, para hindi magulo yung priorities mo sa buhay.

B: Three sexiest men sa showbiz para sa yo?

CR: Si Dingdong Dantes, Richard Gutierrez and Piolo Pascual. Actually si Jake Cuenca, sexy din, pero tatlo lang hiningi mo, e.

B: Ano ang usually nagpapaiyak sa iyo at kailan ka huling umiyak?

CR: Siyempre kapag nakakarinig ako ng mga hindi magagandang bagay tungkol sa akin. Hindi ko lang pinapakita sa ibang tao, pero sobrang nahe-hurt ako, lalo na kapag may nababasa ako o naririnig na mga paninira sa akin, tapos hindi naman totoo. Naiiyak na ako du’n. Last na umiyak? Nu’ng Ondoy, di ba? Sobrang iyak ako nu’n. Talagang akala ko katapusan na yun ng mundo for me. Ay, may latest pa pala, umiyak ako dahil sa isang friend ko, nagkasamaan kami ng loob. Talagang napaiyak ako. Babae siya, pero hindi showbiz.

—interview ni eas

BANDERA Entertainment, 120709

Naaliw ka ba sa interview kay Cristine? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802.

Read more...