Kris sa malilisyosong tsismis kina Erich at Paul: Fake news!

KRIS AQUINO

NIRESBAKAN ni Kris Aquino ang ilang netizen na ayaw tumigil sa pagpapakalat ng malilisyosong tsismis tungkol kina Erich Gonzales at direk Paul Soriano.

Galit na galit si Kris sa nag-comment sa isang Instagram post niya na nagsasabing may relasyon daw ang aktres at ang asawa ni Toni Gonzaga. Sagot niya rito, “GET A LIFE & GET YOUR FACTS STRAIGHT!”

“I’m the ninang of Direk Paul & Toni – this #fakenews is just malicious. Direk & Toni are SOLID and happy. Ka text ko si Toni last night, and she thanked me for the block screening,” aniya pa.

Bukod dito, sinabi rin ni Kris na nakikipag-date na raw ngayon si Erich kaya sana raw ay huwag nang lagyan ng malisya ang pagkakaibigan ng Kapamilya actress at ng direktor ng “Siargao”.

Pambubuking ni Kris sa estado ng lovelife ni Erich, “@erichgg has a handsome & very intelligent suitor. #NONEGATIVITYZONE.”

Nagkatrabaho sina Erich at direk Paul sa 2017 MMFF entry na “Siargao”, at kung matatandaan hindi pa man naipapalabas ang nasabing pelikula ay natsismis na ang dalawa na mariin naman nilang pinabulaanan.

Read more...