Nabawi ang bata sa bahay ng lalaki na isa umano sa mga nasa likod ng pagdukot, sa Brgy. Binakayan, Kawit, sabi ni Chief Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District.
Nadakip din doon ang lalaking suspek na si Cerio Cinolete, 26, isang barker.
Bago iyo’y nadakip sa Zapote, Las Pinas, ang babaeng suspek na si Giselle Omayan, na siyang nagkanta sa kinaroroonan ni Cinolete at ng dinukot na bata, ani Apolinario.
Dinukot ang bata noong Disyembre 30 sa Ilaya, Las Pinas, pero noon lang Martes naiulat sa lokal na pulisya ang insidente.
Binalak ng mga suspek na ipatubos ang bata sa kanyang magulang sa halagang P3,000 hanggang P5,000, o di kaya’y ibenta ito sa halagang P8,000 hanggang P10,000, ani Apolinario.
“Either ipapatubos or ibebenta sana ‘yung bata. Pero nung hindi nag prosper plano nila (suspects) ay gagawin na lang daw sana nilang tagapalimos sa kalye,” aniya.
Napag-alaman na bagamat may “sideline” ang magulang ng bata ay kapwa sila walang regular na trabaho, kaya di kakayaning matubos ang anak.
“Sa Cavite gagawin mamamalimos ‘yung bata,” ani Apolinario.
MOST READ
LATEST STORIES